Noong Disyembre 11, 2024, kinansela ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro para sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Marikina.
Ayon sa desisyon, hindi niya natugunan ang isang taong residency requirement sa nasabing distrito, na isang mahalagang kwalipikasyon para sa mga kandidato sa House of Representatives.❌️
Kung magpapatuloy ang pagkansela ng kanyang COC at maging pinal ang desisyon bago ang proklamasyon ng mga nanalo, maituturing na stray votes o walang bisa ang mga boto para kay Teodoro. Sa ganitong sitwasyon, hindi ito bibilangin sa official tally.
Kung sa huli ay mapagtibay ang kanyang diskwalipikasyon, ang mga boto para kay Marcy ay maaaring ideklarang stray votes.
✔️Maging matalino sa pagboto.