STATE OF EMERGENCY, IDENEKLARA SA BANSANG CHINA KASUNOD NG VIRUS OUTBREAK
NAGDEKLARA ng State of Emergency ang bansang China dahil sa biglaang pagtaas ng mga virus na tumatama sa Respiratory System o Baga ng tao.
Ang apat na Viral Infection na kumakalat ngayon sa bansang China ay Influenza A, Human Metapneumovirus (HMPV), Mycoplasma pneumoniae at COVID-19.
Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit ay punuan na ang mga pagamutan sa kanilang mga siyudad partikular na sa Beijing, Shanghai, at Guangzhou.
Unti-unti na rin umanong nagkakaubusan ng gamot para sa mga may sakit at wala na ring espasyo para sa mga crematorium na mga namatay dahil sa nasabing mga virus.
Samantala, pinaghahanda naman ang mundo para maiwasang kumalat ang nasabing mga sakit at makapasok sa kanilang mga bansa upang hindi na maulit ang panibagong pandemya na naranasan noon sa COVID-19. || Gerlie Cadacio
Courtesy: Avios/ SABC News / WION