PAALALA SA PUBLIKO ⚠️
Fake news ang ipinakakalat na AI videos ng isang FB page tungkol sa umano’y DSWD Educational Cash Assistance para sa lahat ng nag-aaral.
Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anumang uri ng misinformation.
Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas