CHINA, NAG-DEKLARA NG STATE OF EMERGENCY KASUNOD NG VIRUS OUTBREAK SA BANSA
Nasa ilalim na ng State of Emergency ang bansang China dahil sa biglaang pagbugso ng mga virus na tumatama sa Respiratory System o Baga ng tao.
Apat na Viral Infection ang kumakalat ngayon sa China, kanilang ang Influenza A, Human Metapneumovirus (HMPV), Mycoplasma pneumoniae at COVID-19.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng mga nasabing virus, puno na ang mga ospital sa mga pangunahing syudad sa China tulad ng Beijing, Shanghai, at Guangzhou.
Nagkakaubusan narin ng gamot para sa mga sakit at wala naring espasyo sa kanilang mga crematorium para sa mga namatay sa sakit.
Samantala, ang World Health Organization at iba pang international health bodies ay handa umanong mag-paabot ng tulong sa China para ma kontrol ang outbreak.
Kasabay nyan, ang panawagan sa mundo na dapat maging handa at gawin ang lahat ng makakaya ng bawat bansa masigurong hindi mauuwi sa panibagong pandemya.
Courtesy: Avios