Profile photo for Department of Health (Philippines)
Department of Health (Philippines)

Maging ligtas at handa sa fireworks-related injuries sa pagsalubong ngayong Bagong Taon!

‼️ PAALALA ng DOH patungkol sa first-aid para sa fireworks-related injuries ‼️

Para sa sugat or paso mula sa paputok:
✅ Huwag balewalain kahit maliit na sugat.

✅ Hugasan agad ang sugat ng sabon at malinis na tubig

✅ Takpan ng sterilized gauze bandage o malinis na tela

✅ Diinan ang bahaging may sugat para tumigil ang pag durugo

☎️ Pumunta sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555 para sa agarang lunas.

Para sa naputukan sa mata:
✅ Padaluyan ng malinis at maligamgam na tubig ang apektadong mata. Huwag gumamit ng ice water

✅ Huwag kalikutin o kamutin ang apektadong mata

✅ Takpan ang apektadong mata gamit ang malinis na tela o gaza

✅ Dalhin agad sa emergency room para mabigyan ng pang kontra tetanus. Tandaan: Nakamamayas ang tetanus!

Para sa nakalunok ng paputok:
✅ Huwag piliting magsuka ang biktima

✅ Pakainin ng hilaw na puti ng itlog (egg white):
👦 6-8 piraso para sa bata
👨‍🦰 8-12 piraso para sa matanda

☎️ Pumunta sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555 para sa agarang lunas.

Tandaan: HUWAG MAG MAPAPUTOK para ligtas sa pagsalubong ngayong Bagong Taon!

Mag-ingat po tayong lahat, dahil #BawatBuhayMahalaga !

#DOH
#LigtasChristmas
#BagongPilipinas
#IwasPaputok